- Jan: Ganda ng gf ko wag ka! Sa akin yan.
- Zie: Bakit? Hindi ko naman aagawin ah. Paki ko naman dyan, may bf kaya ako.
- Jan: Sinabi ko wareng aagawin mo, para namang maaagaw mo ne, kapal mo ah. haha Paki ko naman sa bf mo may gf ako ne. FYI astig gf.
- Zie: Kapiling mo. Aba paki ko naman sa gf mo. Saksak mo sa baga mo. Masaya ako sa COOL and HOT kong bf neh. mind your own business. Scratch your own galis. hahaha
- Jan: Anu to? Payabangan na? hanggang dyan ka nalang. magaling kumanta ang gf ko. marunong pang magbending. haha beat that you you, you girl! haha
- Zie: Bakit? magaling ba mag guitar at artist ba gf mo? Hindi naman ah. Wala pala eh! haha
- Jan: So? Haha gf ko kaya regular pa sa mala impiyerno niyang course. at napakalambing pa.
- Zie: Bakit? Naging chairman's lister na ba sya? ha? Hindi man. Tska yung bf ko hindi lang malambing. Handa pang magmukhang tanga mapasaya lang ako. Beat that! Haha
- Jan: Gf ko future dean's lister and one of the best! Sus, mukhang tanga parin. Gf ko kaya ang galing magpasaya ang galing pang magsurprise! haha alaga pa ko.
- Zie: Future? Di pa sigurado! Magyabang ka pag andun na siya. Sus, yung bf ko. The best mag alaga. Minamassage ako, pinapayungan ako, at kung anu anu pa. Ikaw? Panu ka alagang alaga sa gf mo? Ang bf ko, kaya akong paiyakin sa sobrang saya.
- Jan: Sus sigurado yun! Gf ko pa. haha... aba kung akala mo lang, lahat ng kelangan kong alaga binibigay ng gf ko. Pag down ako pinapangiti niya ako. Pag kelangan ko ng kausap, anjan siyang marunong makinig, may payo pa! Pag mainit ulo ko, pinapalamig niya agad. Pag uncomfortable ako sa sarili ko at pag masama ang pakiramdam ko, kinocomfort niya ako kahit wala siya sa tabi ko. At pag nagddoubt ako binibalik nya buo kong trust. Ganun siya kagaling! Aba napaiyak narin ako ng gf ko sa sobrang tuwa kahit na napakahirap kong paiyakin lalo sa tuwa, the best siya! So unique.
- Zie: Cge na. Ikaw na. Pero di parin niya mapapantayan ang bf ko. kaya niya akong protektahan sa kahit anu at sino man. binibigyan niya ako ng confidence at naniniwala siya sa kaya kong gawin. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi naman niya ginagawa dati. And by that, napapsaya niya ako. Sobrang spoiled ko sa knya, ultimong tsquare niya ihahatid niya sa amin ng alas dose ng gabi dahil lang kelangan ko. ganun niya ako kamahal. Hindi niya hinahayaang magtampo ako ng matagal sa knya kase kapag malungkot ako, apektado din ang mood niya. Hindi siya nahihiyang ipakilala ako sa mga taong part ng buhay niya. In fact, ipinagmamayabangi pa niya. I really feel loved and sobrang saya ko saknya.
- Jan: Naku. Wala pa din yan... gf ko pa din ang the best! kahit na siya yung babae, pinoprotect at ayaw din nya kung napapahamak, makulit lang talaga ako. Nasa kanya pa lahat ng hinihanap ko. Napakagaling umintindi ng gf ko, hindi immature at sobrang loyal pa! Di tulad ng iba dyan na may bf na, lalandi landi pa buset... at tinaggal niya takot ko sa pagpasok sa isang relationship. Ganun siya kagaling! Feel ko, napakasafe ng love ko sa knya. She's just everything that I need, in short... She's the best! haha At ang pinakanabilib ko sa knya... approved siya kay mama. haha ang saya.
- Zie: Hayy! Speechless pero the best talaga yung bf ko eh. Kahit sobrang gwapo nun at maraming nangangahas sa knya, sa akin parin siya at wala siyang ibang gusto kundi ako. Kaya kung loyal ang gf mo, faithful naman ang bf ko. Kung approved sa mama mo yung gf mo, yung bf ko naman approve sa lahat ng taong part ng buhay ko. Kahit sino, kaya niyang pakisamahan eh.
- Jan: alam mo anung pinakamasaya sa lahat? yung nakuha akong mapaiyak ng gf ko ngayun dahil kahit maliliit na bagay na ginagawa ko napapansin pala niya. Naaappreciate niya. Ang swerte ko sa kanya. Hindi siya nahihiyang ipakilala ako sa mga taong parte ng buhay niya. At dahil kontento na ko sa knya, wala na kong ibang hahanapin pa.
Hayy… Sad to say pero nagbreak na ang long time couple na friends ko na sina Arielle at Kin. Mahirap man isipin pero tingin ko, it’s the best way para mag grow sila parehas. Masyado na kase silang nasakal ng relationship nila. Wala nang magandang naidulot. You know guys, kaya ko shinare ito not because nagkwento lang ako at para may maiblog, but because there is something we can learn about it. Una, why do people break up? Reasons maybe sawa na, nawalan na ng pasensya sa isa’t isa or even nawalan na ng communication. Pwede maging reason ito:
- Family matters. Mahirapan ng ipaglaban sa parents yung partner mo kase, against ang parents nyo sa relationship nyo.
- Lack of communication. You guys maybe talking but actually not. Hindi na kaya nakakapag open ng mga bagay na tungkol sa inyo tulad ng mga problema niyo. Kaya parehas magulo ang utak nyo dahil pareho kayo naghahanap ng sagot pero wala kayong makuha dahil hindi nyo napag uusapan.
- Time. Wala na kayong time sa isa’t isa. Siguro kase busy parehas. Or may conflict sa schedule. Or kung minsan, nakakalimutan mo ng maglaan ng time para sa kanya.
- Change. Habang tumatagal ang relationship, maraming pagbabagong nangyayari which is kung minsan, nakakapanibago kase hindi ka sanay. You maybe asking “Hindi naman siya ganyan dati ah.” Believe it or not, lahat ng couple dumadaan sa ganyang stage na mostly nagiging away.
- Third party. Disloyalty ang tawag diyan na mostly, nagkakaroon sa mga lalaki. Well, actually nowadays, dumadalas narin sa girls. Once na nagkaroon nyan, questionable na ang TRUST. Pwedeng mapag usapan at ayusin but you can never tell, hindi lahat ng tao na nagpapatawad e nakakalimut. At hindi madaling ibalik ang trust. Kaya minsan nagkakaroon pa ng UNFINISH BUSSINESS.
- PAST is PRESENT. May mga tao na laging nagddwell sa past na pag dadating yung time na may pinag aawayan sila, lahat ng problema na nasolve na e binibalik balik parin nila. Nakakainis pero totoo to. Kaya lumalala pa lalo ang problema imbes na maayus.
- Pride. Singkataasan ng pride. Walang magpaparaya pag nag aaway. Common conflict din yan. Walang magsosorry, walang mag aayus. Maseset aside nalang ang problema at hindi na masosolusyonan.
- Perfectionist. May mga tao talagang habang tumatagal e nagiging demanding. Laging hinahanapan ng mali ang partner na kung minsan e nakakasawa na talaga.
- Choke to death. Yan yung mga control freak na mga bf/gf na sobrang nakakasakal. Yan yung mga kung mkapagtanung akala mo, isang tapak mo lang sa labas ng bahay e mamamatay kana. Tapos sobrang over protective nang bonggang bongga. Ang bf/gf, pwede nating maging partner, lover and best friend… pero hindi nanay o tatay. Meron na tayo nun eh.
- Jelly-jelly. Yung tipong lahat nalang pinagseselosan. Makipag usap kalang sa iba, agad bulusok naman ang ilong at tenga. May mga bagay na minsan, dapat kasi nilulugar. Tulad nito.
- Immaturity. Hindi lahat ng couples e match yung maturity levels nila. Minsan hindi ka makaride sa trip niya kase ang immature. Minsan naman hindi mo siya maintindihan at magets dahil kung makapag isip parang responsibildad niya na ang mundo. May mga ganung factors. Kaya pag may problem na, wala na. Makasalungat yung way of thinking niyo kase nga hindi kayo magkaintindihan.
Yan lang yung nasa isip ko e. Well, it varies naman sa tao. Nasa sariling experiences yan na nakukuha sa friends or sa mismong sarili. Well, actually, pare-parehas naman tayong hindi sigurado eh. Is he/she the one? Will it last? Or maybe not. Ang mahalaga, may natututunan ka sa mga bawat pagsubok na natatanggap mo sa buhay mo. Tulad ng BREAK UP. Mahirap mag move on, mahirap maghanap kung saan ka nagkulang, minsan iniisip mo napaka unfair ng buhay. Pero that’s it! Unfair nga ang buhay, and you have to use it para maging wise sa bawat choices mo. Abusuhin mo na ang pagka unfair ng mundo. pag natumba ka o napag iwanan, tayo ka agad and ipagpatuloy ang lakad, kahit ang daan mo e hindi na yung daan na lalakaran ng taong once mong minahal. Life goes on, mapag iiwanan ka. Sinong talo pag nangyari nung? Ikaw. Smile and be contented kung anu’ng naiwan sayo.
I hope you guys remember this, “May mga tao sa buhay natin na dadating at iiwan din tayo. Hindi nangyayari ito para masaktan tayo, may mga tao lang talaga na darating lang sa buhay natin hindi para manatili habambuhay, kundi para ihanda tayo sa pagdating ng tamang tao.”

(Source: fairytaleslikethese, via currentlyreadingmymind)
Okay. this not much something to talk about hmm share lang. Haha My ex sent me this song, wala lang. pinarinig lang niya. I actually can’t understand the song, so i looked for its lyrics. Then i still didn’t get it. Fortunately, my friend was with me kaya I asked her to listen to it. Sabi niya, the song says “kahit wala kana, mananatili ka parin sa puso nung nagdedicate ng kanta. Kunwari si Pao, kahit wala na kayo, may mark kang iniwan sa puso niya. gets?” then i was like, “Yea, actually siya yung nagdedicate niyan.”
- Zie: Alam mo, hindi naman ako mawawala sa'yo eh.
- Jan: Pasensya na, kababaw ko na ata at nagdodoubt nanaman ako.
- Zie: Hindi ka naman mababaw. Pero kase, alam mo naman na mahal kita. Diba?
- Jan: Oo nga. Pero natatakot ako na baka dumating yung araw na mabaling yung atensyon mo sa iba...

Eh kase nga sobrang init ng summer. :D
(Source: carringtonlynn, via laugh-addict)

I wann try this one. NOMNOM!



